Oras mo Na!

Monday, April 23, 2012

"Prosti"

Inakala kong sa gabi lamang makikita,
Ang mga babaeng tinaguriang "Magdalena";
Rumaraket  na rin ngayon kahit pa nga umaga,
Almusalan ang papuri ng mga taong mapanghusga.


Sino ka nga ba para sabihing masama sila?
Nandidiri  ka sa taong hindi mo kilala,
Ang tanging alam mo'y nangangalakal sila ,ng puri kapalit ang pera;
Kanilang luha at siphayo ay hindi mo naman nakikita.




Kailangan mong malaman  na sadyang magkakaiba,
Hwang mong lahatin na sila'y may katwirang iisa;
Bigo man sila sa diskarteng nakuha,
Ito'y hindi alintana kung makakatulong sa pamilya.


Hindi ba't mas nakakasuklam ang pumapatol sa kanila?
Inaabuso ang kahinaan at pangangailangan ng iba,
Kaluluwang tigib ng pighati at pagdurusa;
Na lalong ibinabaon sa mundo ng binansagan nilang mga puta.

1 comment:

  1. kung gusto mong ilagay sa sidebar ang iyong badge, narito ang URL ng imahe...pakilagay na lang po sa isang bagong tab(larawan)---mula sa web

    http://3.bp.blogspot.com/-Roa2dKePs7w/T4wMboXP5II/AAAAAAAAAPA/YwhsNfBjulo/s1600/10.JPG

    salamat po

    ReplyDelete