Oras mo Na!

Tuesday, April 24, 2012

malaya ka na mahal...


nipper
flash light
kandila
correction fluid
zonrox
efficacent oil(pain killer)
biogesic

Eto ang mga bagay na ginagamit lang natin pag kasubuan na,at mahirap namang gamitin araw-araw dahil baka magmukha kang tanga;.

pag masakit na gaya ng dry skin at ingrown mo...
pag gipit na gipit ka na...madilim na ang mundo mo at wala ka nang makita...
para maiba ang mga mali mong nagawa...
para mabura ang mantsa na iniwan ng iba...
para tanggalin ang sakit na iyong nadarama...
para pang alis ng sakit ng ulo at magawa mo na ulit tumawa...
ganyang ganyan ang pakiramdam ko,pag gusto mo akong makita at makasama...

Hindi ba pwedeng ganito nalang:

araw
libro
oras
pagkain
bahay
tubig


Eto ang mga bagay na mas mahalaga,na kahit hindi mo sabihin alam mong mong pag wala na ay kulang ka;

para mag bigay liwanag sa twina...
para matutuhan ang tama sa maling nagawa...
para malaman mong bawat minutong makasama kay ay mahalaga...
para magbigay lakas at enerhiya...
para may mangtanggol at magprotekta...
para tighawin ang init na nadarama...(naks..)


Yang mga ganyan man lang sana ang nakikita mo sakin e di  sana mas masaya..tsk tsk
pero kahit ganun pa man,minahal kita ng sobra  subalit,kahit ganu kita kamahal kung hindi ka naman marunong magpahalaga,wala pa ring kwenta.

Congratulations nga pala...malaya ka na!








2 comments:

  1. mukang may pinaghuhugutan...anyway ganun talaga ang buhay...hindi lahat ng fairy tales ay happy ending...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..yep..yep..salamat po sa pagdalaw..sa uulitin

      Delete