Monday, April 23, 2012
Lagim sa Damuhan
Ako po ay baguhan sa ganitong larangan,
Bagama't di bayani ng ating kasaysayan;
Pagdating sa panitikan ako ay lalaban,
Sa kagawaran,ito po ay inyong pakinggan.
Pasintabi lamang po sa mga kabataan,
Dala ko ay kwentong sadyang may kaselanan;
Larawan ito ng musmos sa kamunduhan,
Na di mo makikita sa silid-aklatan.
Isang dapit hapon doon sa may damuhan,
Nakita ko si Loi,kasama pa nga si Ran,
Pangiti-ngiti sa ginawang kasalanan,
Mga kulisap ang saksing walang nalalaman.
Maligno ma'y kaya nilang ipinagtabuyan,
Wari mo'y galunggong sa lansa't kabahuan,
Saranggola ngang hawak na di mabitiwan,
Kasamang nagparaos sa langit-langitan.
Hinuha mo ba'y kalaswaan ang usapan?
Teka-teka lang...mali ka d'yan kaibigan,
Ito ay kwentong hango sa batang karanasan,
Nang magkaibigang nasiraan lang ng t'yan.
Lahok para sa "Bagsik ng Panitikan" contest ng Damuhan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
salamat sa paglahok :)
ReplyDeletenapadaan at bumabati ng good luck satin =)
ReplyDeletealing blog post po ang inyong isasubmit? ung una o ito? though pareho'ng entry lang siya
ReplyDeleteyung unang entry po kasi is galing sa blog na recently made lang ng april,since according sa mechanics with 5 post as of March20,2012,kaya naisip ko pong isali ulit yung entry gam it tong luma kong blog.
Delete