Wednesday, April 25, 2012

When heat strikes...


Casino ba kamo?

Gusto mo sosyal pa...Dito sa Makati mo yan makikita...
Paseo De Roxas corner Ayala...

May dalawang palapag ng sugalan sa isang susyal na building dito.
Masukal...makalat...
Hide out ng mga mandaraya...
Nanalo ka na,premyo mo bukas pa at dapat may pirma.
Pag naman nagkamali ka  ng balasa, "Uhmmp!" kutos kaagad teh..wala ng warning ! warning! pirma ka na ulit,
Para yan sa ebidensyang babawasin sa pera mo. KAaaaLOoooKAaaa!
Marami din dito ang over sa time...lahat kasi dapat tapusin kahit pa gabihin,pero sa sugalan hindi bayad ang OT(sabagay...)

May bawas pag may mali,pag maraming tama,kahit piso wal!! pa#$$^$^&yet!

Marami dito ang sugarol para sa buhay,sinisikmura ang mga ilegal  na  patakaran,pantawid gutom...alam mo na...
Kahit pa sabing ayaw mo na,dahil sa kailangan,pinagtitiisan mo na pati ibang lahi...
Hindi naman lahat mapag tiis,kaso nga lang yung iba may kanya kanyang dahilan...

"May hinihintay pa kasi ako...mamya na ko aalis"

"Isang buwan lang akong maglalaro,promise,aalis naman ako agad eh"

"Hallleerrr? less than 72 hours nalang ang hinihintay ko,kaya hayaan mo na muna kong mag enjoy sa walang kwentang lugar na to"

Sa isang salita...wala naman gusto palang magtagal dito.
Panu mo ba naman kasing matatagalan ang pasugalang wala na ngang sistema,
dinadaya pa pati yung mga matino kung tumira.Samahan mo pa ng mga big boss na pati laya mo gusto pang makuha.
lechusgas! May babeng mukhang koreana,kung sumpungin naman kala mo taga Saudi Arabia.

"Aliz nahhh agahhd! Dahhliii,ayaw ko na makhiitaa yahhnn..!"(sana binasa mo sa boses ng arabic hehehe)

Pag naman ayos ang mood,para naman naman syang si Dora sa bait..aalukin ka pa ng candy o biskwit

sabay sabi ng"Yum, yum, yum, yum, yum. Delicioso! "

tae na! kakaburyong!

Tutal nasabit na rin naman si Dora sa usapan,isama na natin partner nya...sino pa? Eh di si boots!Meron din kami nyan dito...Si Boots na bakla! wahahaha! sunud sunuran kasi yun kay Dora di ba?Kung anong sabihin sinusunod,kahit hindi naman nya ka uri...taksil sa lahi..pwe!

Hindi ka naman ililibing sa hacienda nila pag namatay ka,iiwan ka lang din sa gubat ng Maynila,dahil dito ka nakatira. lokang to! ambisyosa!!!

Bakit nga ba kasi may mga taong pulpol na kung san may mahihita,dun nalang kumakapit,ang hindi nila alam..nagmumukha na silang gago..ay gaga pala ang term para sayo!.Eh ang tingin naman sa kanya unggoy
Kaya naman pala nagpa ka-boots ka ,pinaninindigan mo na talaga. tsk tsk..kawawa ka naman...
Sige dahil sipsip ka ,bibigyan na rin kita ng surname..

Boots Hudas.naks! sakto ah...taksil na unggoy...pwedeeeee!!!!

Nga pala,isa din ako sa sugarol dito kaso dahil dinadaya nila ko,dadayain ko na din sila...
Kala ko kasi  mah-jhong ang laro dito...syempre..Makati dapat may pag ka elite.
"Mah-jhong ala tsekwa!" (yan ha...)  eh,nag ka ungguyan lang pala...
pwede na sana pag tiisan,kasi mauunawaan mo pang baka ganun lang talaga ang gustong laro ni Dora,
kaso kung unggoy lang ang magmamanipula sayo,di na boi..magtibe ka sa saging mo!

Ikaw na sanang may kakayahan para iaangat ang lahi mo...

tsk... tsk...

jan ka na nga..baka ma-heat stroke pa ko sa inyo...At ikaw na nagbabasa nito...uminom ka na din ng tubig baka kasi makarelate ka sa sinabi ko.













Tuesday, April 24, 2012

Eto ang ruta ko



parang byahe lang sa jeep..minsan buhol buhol...magulo...nakakainip...nakakahighblood...nakakaantok...minsan naman masaya...as in sobrang saya...na parang ayaw mo nang matapos...pero kailangan mo pa ring pumara...kasi sa byahe may destinasyon ka talaga...pero sa byaheng enjoy...kahit sampung traffic lights sa isang kanto..at isang traffic enforcer na nagkakape..habang may sandamakmak na sasakyan...sa isang makitid na kalye.....ok lang...BAKIT?kasama kasi kita eh...

Pizza Galore






It’s 3 o’clock in the afternoon and supposed to be, I should be at the same pizza parlor with my friends, Well, I know they’ll understand… (kailangan pa bang imemorize yan??!!...) They are my friends and for sure, they know the reason why I’ am always…I mean SOMETIMES LATE…
When I arrived, my friends are smilling…telling me…” ssssooooo therrrrreeee…..” (at xempre may tawanan ang mga hinyupak hehehe…)
While busy chatting, A cute guy wearing apple green polo shirt with matching tuck in sa kanyang black slacks come near to us..Throwing us a great sweet sexy smile while saying “ ENJOY YOUR ORDER MA’AM” (AAnyanyanyah…un crew pala…)
That “ BIGGG” Pizza caught my attention, not because I’m hungry (uhhmm…consider mu na din pala) but more of curiosity, How come these guys were able to cut the pizza equally but the toppings are not equally distributed.
We got a big pizza cut into 8 pieces, I noticed that some part is much cheesier than the other, one got all of the bell pepper, some got more pineapple tidbits, the others got a mushroom but some doesn’t have, But I realized,
it doesn’t really matter at all,.

Then I jump into the conclusion…ang tao pala parang pizza…

I look at my friends…Each of us have different characteristics and attitudes, different talents and skills, different fashion statements and physique, but despite of all differences, all of us have each mouth watering taste…( I mean lahat merong itinatagong maipagmamalaki din naman)

Just like the pizza infront of us, eventhough some toppings are missing from the other, each portion have the toppings that make each of the pieces special.

People sometimes forget that nobody’s perfect,Just like pizza…we cannot find everything in a single piece,Nobody are being blame and nobody complains..the real thing is , ...
we JUST need to learn the value of ACCEPTANCE

Accept that everyone is unique,,that’s all

NO QUESTIONS ASK…



Then I smiled after thinking the pizza-life idea


and to my surprise ..................
Nothing left for me to eat

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!


LESSON: Wag isip ng isip ng kung anu-ano kung ayaw mong magutom LOLZ…

malaya ka na mahal...


nipper
flash light
kandila
correction fluid
zonrox
efficacent oil(pain killer)
biogesic

Eto ang mga bagay na ginagamit lang natin pag kasubuan na,at mahirap namang gamitin araw-araw dahil baka magmukha kang tanga;.

pag masakit na gaya ng dry skin at ingrown mo...
pag gipit na gipit ka na...madilim na ang mundo mo at wala ka nang makita...
para maiba ang mga mali mong nagawa...
para mabura ang mantsa na iniwan ng iba...
para tanggalin ang sakit na iyong nadarama...
para pang alis ng sakit ng ulo at magawa mo na ulit tumawa...
ganyang ganyan ang pakiramdam ko,pag gusto mo akong makita at makasama...

Hindi ba pwedeng ganito nalang:

araw
libro
oras
pagkain
bahay
tubig


Eto ang mga bagay na mas mahalaga,na kahit hindi mo sabihin alam mong mong pag wala na ay kulang ka;

para mag bigay liwanag sa twina...
para matutuhan ang tama sa maling nagawa...
para malaman mong bawat minutong makasama kay ay mahalaga...
para magbigay lakas at enerhiya...
para may mangtanggol at magprotekta...
para tighawin ang init na nadarama...(naks..)


Yang mga ganyan man lang sana ang nakikita mo sakin e di  sana mas masaya..tsk tsk
pero kahit ganun pa man,minahal kita ng sobra  subalit,kahit ganu kita kamahal kung hindi ka naman marunong magpahalaga,wala pa ring kwenta.

Congratulations nga pala...malaya ka na!








Monday, April 23, 2012

Lagim sa Damuhan




Ako po ay baguhan sa ganitong larangan,
Bagama't di  bayani ng ating kasaysayan;
Pagdating sa panitikan ako ay lalaban,
Sa kagawaran,ito po ay inyong pakinggan.

Pasintabi lamang po sa mga kabataan,
Dala ko ay kwentong sadyang may kaselanan;
Larawan ito ng musmos sa kamunduhan,
Na di mo makikita sa silid-aklatan.

Isang dapit hapon doon sa may damuhan,
Nakita ko si Loi,kasama pa nga si Ran,
Pangiti-ngiti sa ginawang kasalanan,
Mga kulisap ang saksing walang nalalaman.

Maligno ma'y kaya nilang ipinagtabuyan,
Wari mo'y galunggong sa lansa't kabahuan,
Saranggola ngang hawak na di mabitiwan,
Kasamang nagparaos sa langit-langitan.

Hinuha mo ba'y  kalaswaan ang usapan?
Teka-teka lang...mali ka d'yan kaibigan,
Ito ay kwentong hango sa batang karanasan,
Nang magkaibigang nasiraan lang ng  t'yan.


Lahok para sa "Bagsik ng Panitikan" contest ng Damuhan

"Prosti"

Inakala kong sa gabi lamang makikita,
Ang mga babaeng tinaguriang "Magdalena";
Rumaraket  na rin ngayon kahit pa nga umaga,
Almusalan ang papuri ng mga taong mapanghusga.


Sino ka nga ba para sabihing masama sila?
Nandidiri  ka sa taong hindi mo kilala,
Ang tanging alam mo'y nangangalakal sila ,ng puri kapalit ang pera;
Kanilang luha at siphayo ay hindi mo naman nakikita.




Kailangan mong malaman  na sadyang magkakaiba,
Hwang mong lahatin na sila'y may katwirang iisa;
Bigo man sila sa diskarteng nakuha,
Ito'y hindi alintana kung makakatulong sa pamilya.


Hindi ba't mas nakakasuklam ang pumapatol sa kanila?
Inaabuso ang kahinaan at pangangailangan ng iba,
Kaluluwang tigib ng pighati at pagdurusa;
Na lalong ibinabaon sa mundo ng binansagan nilang mga puta.

Sunday, July 24, 2011

Hangaroo





ang buhay ay para daw isang gulong...Umiikot...minsan sa baba..minsan sa ilalim

ang buhay ko...parang hangaroo--hula hula--minsan mali..minsan tama...minsan nakakatuwa,,,minsan nakakainis din...pero kahit minsan nakakainip..nakakalibang pa rin...seryoso ka...pag isa nalang ang chance mo na magkamali...nakakapagsisi pag ung unang kutob mo eh,hindi mo pa isinagot,kaya ayun natalo ka tuloy..minsan naman easy easy lang pag nakakarami na ng tamang gawa,pero at the end at nag restart ka...kabisado mo na yun words na hindi mo nakuha nung una...kasi uulitin na yun the next round...so pwede mo ng itama...parang life di ba?minsan nauulit talaga na magkamali ka pero nandun pa rin yung chance na maitama mo yung maling nagawa mo nung una...so anu,restart na tayo?