Oras mo Na!

Thursday, May 5, 2011

Sino ba talaga ang bida?


ang buhay nga naman... parang teatro...kanya kanya ng ginaganapan...kahit remix ng fantasy,love story at comedy pa yan...parang ganito:

ang bidang babae na uuuuuuuuuuBOD ng ganda at bait..matalino at magaling..inaapi..lumalaban pero iyakin pa rin..mahina sa harap ng prinsipe nya..pero sa totoo lang kaya naman nyang tapusin ang palabas ng sya lang at walang kapareha...syempre mawawala ba ang may kapangyarihang kontrabida..buntot sa paa--at paa sa buntot...isang sirenang maganda at magaling kumanta ,pero sa totoo lang..malansa...makire..makati..makaliskis at bilasa...may matipunong gwapong tagapagtanggol ng mga naapi..prinsepe ng magandang bida...pero wag ka..una pang tatakbo yan pag may holdapan na...kunwari matapang..tse! bading naman.. may lipstick nga din sya eh..at sa huli may kakampi sa kontabidang makapal ang hasang..syempre..sino pa? eh di yung bruhang inggitera...selosa at ambisyosa masyondang nagmamaganda.. at nakaguhit ang kilay na akala mo arko ng sta cruzan...bihis mayaman..makinang...mapaldo..pero wala naman talagang pera..nagmamayaman lang kasi nkatikim ng konting ginhawa..kala mo naman kayang bilin ang paraiso ni eba...tapos may biglang dadating na bestfriend ng bidang naaapi.. side kick..batukbatukan...sinasampal..pero nakatawa parin...para bigyang twist ang palabas at mapawi ang inis at awa sa ibang tauhan..pero sino nga ba sya..???Si bestfriend...kulapol ng make ang muka..lagpasan ang lipstik hanggang panga...kulot at ma rainbow ang buhok...pinasadyang sapatos at damit..hindi sinukat yan ha..kasi kulang ang isang medida sa bawat sulok ng damit nya..takte na yan!
mas nakakatawa ba sya ng lagay na yan?
akala mo ba masaya rin sya?
minsan gusto lang nyang pasayahin ka?
eh ikaw? nakuha mo bang malungkot at damayan sya sa gitna ng mga lalamunang humahalakhak sa harap nya?
alam mo bang sa likod ng kanyang maskara ay may mga matang lumuluha?
at sa pagtatapos at pag bagsak ng telon..pinapalakpakan nyo ang bidang babae at lalaki na walng ginawa kundi mag utuan lang??tse!!!
ewan..sa susunod...kilalanin mo kung sino talaga ang bida ha!
"DAHIL HINDI LAHAT NG NASA HARAP MO AY ANG TUNAY NA NAKAKAPAGPASAYA SAYO"


No comments:

Post a Comment