nARIto pong Muli ang inYong LingKod…
Napag isip isip kong, tila ako’y nakakalimot na…hindi ko na naipapakita ang pagmamahal ko sa aking bayang sinilangan, ano’t nilulukuban na yata ako ng banyagang katauhan...sa aking tatlong nagdaang akda,malimit kong nagamit ang aking inang dila,kaya ako’y nagdesisyong sumulat gamit ang ating pambansang wika.. ang TAGALOG…
(((ahehehe…charing lang…NOSEBLEED na kasi ako weh..saka baka mali mali na grammar ko…DYAHE…)))
So, Let’s start…
Ako’y naglakbay, doon sa ibayong hilaga,kung saan,and dinatnan ko’y walang tao o bahayan man lang.Ang naging tanging saksi sa aking paglalakbay ay sina ARAW at BUWAN,na nagsilbing gabay sa aking paghahanap….paghahanap??? anu nga pala ang aking hinahanap???bakit nga ba ako’y narito??
Teka…teka..pagod na ata ako…lalo na’t ganitong di ko naman alam ang aking patutunguhan…
Panu ba to?wla pala akong dala na kahit na ano..
AKO..AKO… at tanging AKO lang….Siyyyeeet naman…
Sa hapo…ako’y napadapo sa punong nakita… kaakit akit at nakakahalina…nakakawala ng pagod talaga.
Hindi pamilyar kung susuriin ang mga punong natatanaw ng aking mata..gayundin and punong tinungo ng aking mga paa.Nakakahalinang tunay ang sariwa nitong mga sanga, ang mabining pagkapit ng mga ugat sa paa, pati na and maninipis na dahon na humahalik kay araw sa twina.
Bigla namang umiksena si Echuserong araw…ANG INNNEEEEEEETTT!!!!!!!!
Lekat na puno,napakaganda at napakasariwa,hindi ko naman masilungan…
hala! Sige! Takbo!!!
Sa dako pa roon..aking nakita…ang isang matandang puno sa gitna nga napunta. Ninais kong humimlay sumandali sa kanyang sanga na tila bisig ni Adonis na handang yumakap sa akin ng mga sandaling iyon…naisip ko tuloy kung may Adonis ngang nakatira (((EEEEEhhhhhhh….with matching flip pa ng hair hehehe..landi lang…)
Sa hindi malamang dahilan, nakasumpong ako ng kasiyahan, bagama’t walang bunga,tuyo’t at maiitim,tila ang kanyang nakayukyok na sanga ay handang pawiin ang anumang pagod na aking nadarama.Idagdag pa ang naglalakihang dahon nito na sumasagupa kay echoserong araw. Sumandal nga ako at di namalayang nakaidlip,matapos ang ilang sandali…ako’y ginising ng pagkalam ng aking sikmura at tigang sa lalamunan.
Panu na????mamamatay na ba ko??
Napaupo ako sa isiping iyon.Nang may pumatak sa aking noo..umagos patungo sa aking ilong..sinundan ng aking mata hanggang sa maduling…nagtuloy sa king labi..ako’y napangiti…nalasahan ko ang likido na umagos..manamis namis..ang sarap naman pala ng ulan dito.sigaw ng isip ko.
Ako’y tumayo at ambang yayakap sa ulang parating…ngunit ano’t walang pa rin..at heto si echoserong araw at panay pa rin ang pacharming.
Sa pagkadismaya,inakap ko nalang si puno na hangang nayo’y hindi ko pa kilala.Nabasa ang kilay ko..hmmm..paakyat na ba nag tulo ng luha ko? HINDI SYEMPRE!!!!
Natuklasan kong mamasa masa ang balat ng puno,tinuklap ko ito gamit ang aking kuko,ta tinuklap pa..at tinuklap pa ulit..talagang tinuklap ko hangaang sa lumitaw ang iilan na ugat na kulay puti rin gaya ng laman ng punong aking tinulugan.
Tinuklap ko pang muli sa kahulihulihang pagkakataon ang ugat at presto!!!!
Tumilamsik ang masaganang nectar na kalasa ng pumatak sa aking noo..hinigop ko lahat… lahat…ng kaya kong higupin..napagtanto kong hindi iyon matatapos sa pag agos…tumigil ako ng makaramdam ako ng kaginhawaan sa lalamunan at sinimulang tuklasin kung nakakain pati ang laman ng punong tila laman ng tubo…at hindi ako nagkamali…masarap ito at madaling nguyain..binusog ko ang aking sarili…
“haaaayyyy…buti nalang nandyan ka..” ang nasabi ko nalang sa aking sarili….
Muli ako’y nakatulog…at sa aking paggising…madilim na ang paligid..tila uulan pa..dali dali akong bumaba at kinuha ko ang mga nalaglag na dahon…mabigat at malaki ang mga iyon..kung ikukumpara, para na talaga itong kumot…
(bbbbbrrrrrrrrrr……….)dumadagundong na kulog at kidlat…..bumuhos ang malakas na ulan
Sa aking pagkatakot …ako’y yumuko na tila umiiwas na matamaan ng kidlat,nang mapansin kong may butas sa bandang paanan ng puno…siniguro ko munang ligtas bago ko pinasok dala parin ang mga dahong aking nakalap..at doon ko sinandig ang aking katawan na ngayon ay basang basa na.
Kinabukasan sa aking paggising…namulatan ko ang mga punong nagsitumba..marahil sa sobrang lakas ng hangin at ulan na hindi ko na namalayan kagabi…hindi nila kinaya..
Pero sa isang banda.. ako’y natuwa…hindi ako nagkamali ng pinili.
sa kagalakan… hinagkan ko si puno..na kahit pangit at mukang walang silbi…ay may itinatagong hindi matawarang katangian…
May naalala tuloy akong kapara ng punong ito….(napangiti nalang ako)
At dahil hindi ko kilala ang punong yun…tatawagin ko nalang syang
ELAR JU’ CRITI
MEANING: Maaasahan sa kagipitan
(hango sa diksyunaryong rebhelde)
No comments:
Post a Comment